Sunday, November 25, 2007

NANGAHOY...??? NAGEDIT????

Hinalungkat namin ang mga old PCs na nakatambak para makabuo ng isang PC. After finding a good board, 256mb na memory, 1.2Ghz na CPU, nakabuo ako ng isang PC na pwede nang gamitin sa Internet section ng computer shop namin.

Habang gumagawa ako ay nanonood ang dalawang OJT, mga students daw ng PCIC, isang computer school dito sa San Jose, at computer technician daw ang kinukuha nila. Kaya pala interesado sila nung ginagawa kong makabuo ng PC. Come to think na mga girls sila, parang di mo akalain na magkakainteres sila sa pag assemble at pag repair ng PC.

Bukas isa na namang PC ang kailangang ayusin at sana maayos na ang isang corner ng shop. Tatlong PCs din ang madadagdag pag nagkataon.

Ngayong gabi, inayos ko naman ang website ko, yung GIGA ONLINE KARAOKE. Inayos ko rin ang Friendster account ko, nilagyan ko ng FM radio para pag may tumingin ng account ko, magulat sila dahil may Monster Radio (FM station) do'n. Bale no'ng umaga pala, ang inayos kong website ay yung dati ko pang website, GIGAtronics Official Website. January 2007 ng ginawa ko yun. Bale nilagay ko lang doon yung tungkol sa HIGH SCHOOL REUNION namin, yung BATCH '85 sa Ramon Magsaysay High School, Espana.
Isa sa pa sa ginawa ko at sa wakas ay natapos na rin ay ang GIGA INTERNET EXPLORER. Ito'y isang web browser na mas safe gamitin kesa Internet Explorer. Kasama ito sa isang system na ginawa ko, ang Computer Cafe Management System, kung saan may server na ko-kontrol sa lahat ng workstations. Bale pag may nagrent, itong Giga Explorer ang ginagamit nila para maiwasang mapasok ng virus ang aming mga workstations. Sa ibang pagkakataon ay idi-discuss ko yung complete system ng Server namin.
For now, ba bye muna...

BAGONG AYOS NG SHOP

After makabili ng 4 na bagong PC, naiayos na rin sa wakas ang internet section ng computer shop namin. Although hindi pa naikama yung mga PCs, naayos na ang network at mga tungtungan. Problema na lang ay AVR dahil kulang na ito. Hirap naman kasing bumili ng AVR dito, madaling masira. Wala kasing gan'ong choices.

Hopefully bukas ay ayos na lahat.

GIGA EXPLORER UPDATED

Sa wakas ay naharap ko na rin ang pag edit sa GIGA EXPLORER, isang Internet Browser na gawa sa Visual Basic 6.0, at na-solve ko na rin yung mga bugs na nai-report sa 'kin ng mga customers. Ginawa ko ang software na ito pamalit sa Internet Explorer upang maiwasan ang pag-invade ng virus particularly yung mga virus galing sa kung anu-anong toolbar na mga nagpapanggap pero ang totoong intensyon ay lagyan ng spyware ang computer.

So far so good, pero mga 1 week na observation para malaman ko kung may konti pang adjustment.

I hope na OKAY na ang lahat, sana...

Friday, November 23, 2007

IT'S REALLY ANDREW BELARMINO...

Nag open ako ng yahoo mail ko. Matagal-tagal din kasi no'ng huli ko itong nabuksan. Alam mo na, busy ako sa paggawa ng visual basic program ko na GIGA MP3 Player with Lyrics. So, madami-dami ring mail ang natanggap ko. Isa-isa kong tiningnan ang mga letters hanggang mabuksan ko ang isang friendster notice na may nag message daw sa akin at ang name nya ay andrew, agad kong binuksan ang link na ito sa friendster at laking gulat ko na si Andrew Belarmino pala. Si Andrew ay naging classmates ko no'ng second year high school at madalas kaming magkatabi sa upuan dahil sa letter A ang surname ko at sya ay letter B. Class President namin sya noon.


Actually, and 2nd year high school para sa akin ang pinakamasarap na part ng buhay ko. Ito ang pinaka-memorable na taon na ginugol ko sa pag-aaral mula grade 1 hanggang college. Nandito nabuo ang barkada namin nina Eric, Meredith, Jessie, Nina at nng buong section 3.

So, ayun na nga, binasa ko yung message nya, bale "hi" lang ang nakalagay. No'ng una, ayokong maniwala na sya nga. So, in-invite ko s'ya as friend at nang tinanong na ang e-mail or surname nya, sinubukan kong i-type sa surname ang "belarmino" at in-accept nga ng friendster. So, confirm na si Andrew Belarmino nga!

Sunday, November 4, 2007

Amoy Pasko na...

Tapos na ang undas at talagang hindi na mapipigilan ang pagdating ng Pasko.

It's Peggy's Day

1:00am na ng umuwi ako at naabutan ko sa PBB celebrity 2 edition 24/7 channel na nanganganak na si Peggy, yung alagang baboy ng mga girls.

Saturday, November 3, 2007

Zara, 2nd evictee...

Hay, talagang sa wakas. Nasentro ko na rin ang lyrics at naayos ko na rin ang KARAOKE na matatagpuan sa ibaba nitong BLOG ko. Habang nanonood at nag-a-upload ako ng mga songs sa internet ay ini-edit ko tong BLOG ko particularly yung KARAOKE portion. I decided to create na lang ng mas maliit na version ng karaoke, mas maliit ito kaysa sa makikita mo sa website nito na may URL na http://filexoom.com/files/85924/mp3oke.htm.
Going back to PBB celebrity edition 2, tama ang analysis ko, si Zara ang maaalis.... With only 15.06% votes compared to Baron and Donnie na may 31% and Megan na mahigit sa 50% ang boto, lumabas na nga ng bahay ang "beauty queen" na si Zara.
This means na may bagong pagkakataon si Baron upang patunayan ang sarili, magbago at patunayan sa kapatid at sa sarili na mali ang iniisip ng mga tao tungkol sa kanya...

Karaoke BLOG?

Alas 6, November 3, 2007 ng simulan kong idagdag ang GIGA Online Karaoke sa aking BLOg. 8:34pm na ng matapos ako. Nahirapan akong i-edit ang karaoke. Hirap isentro ang lyrics :<

Maaari mong mabisita ang original GIGA Online Karaoke webpage sa http://filexoom.com/files/85924/mp3oke.htm. Maaari mong piliin ang mga songs na gusto mo para mapunta sa playlist at tuluy-tuloy na itong patutugtugin ng website. Parang WinAmp sa Internet, try mo na. Kung gusto mong magrequest ng song, post mo lang dito sa BLOG ko ang requested songs at idadagdag ko ito sa website. Hihintayin ko ang request mo ha!

Di ko pa rin naayos ang pagsentro ng lyrics, saka ko na lang aayusin kasi manonood pa ako ng eviction night ng PBB celebrity edition 2. Sa palagay ko, si Zara ang matatanggal kasi di gaanong pansin ang presence nya sa loob ng bahay ni Kuya. Kung mai-save man sina Baron, ito ay dahil kay Donnie. Maganda ang pinapakita niya sa bahay but medyo tama siguro si Big Brother, siya rin ang dahilan kung bat ganoon si Baron ngayon.

FEATURED PICTURE:



Kuha ito sa plaza noong April, 2004. Malapit na ang pista kayat maraming tao sa plaza. Bukas na ang Agbiliwa, isang trade fair na ginaganap bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng patron na si San Jose.

Kuha sa larawan ang mga skateboarders ng San Jose. Sila yung madalas mong makikita sa Plaza na nagpa practice mag skateboards. Tambay mode muna sila dahil maraming tao, di sila makapagpractice ^_^.

Bukangliwayway sa hapon....

Ngayon ay November 3, 12:45pm, habang nanonood ng Wowowee kung saan ang guest co-host at nagse-celebrate ng kanyang birthday ay si Gov. Vi, sinimulan ko ang blog na ito. Actually, sa Friendster Blog sana ako gagawa pero nung sinubukan kong gumawa doon ay nalaman kong masyadong limitado. Hindi ko ma access yung html, hindi ko lang alam kung sadyang ganon, o dahil hindi ko pa gamay yung control panel nya. So, I decided na dito na lang sa blogspot.com ako gagawa ng BLOG at eto na nga, my very own blog.

"Bukangliwayway sa hapon", wow ang heavy naman ng title ko para sa unang entry ko sa blog ko. Kadramahan na naman ba ito? Well, kayo na ang humula kung ano ang ibig sabihin nito. I know na maraming makaka get ng title ko.


Featured Pictures:

Eto ang larawan ng San Jose, Occidental Mindoro, aerial view. Hindi pa city ang San Jose pero ito ang pinakamabilis na mag grow na bayan dito sa Occidental Mindoro. Ang San Jose ay nasa pinakababa ng Mindoro island, kaya't malapit lang ito sa Coron Palawan, Semirara, Boracay at Panay Island. Ilan sa maipagmamalaki ng bayang ito ay ang white sand beaches sa White Island, Ambulong at Iling. Pangunahing kabuhayan ng mga tao dito ay pangingisda at pagtatanim ng palay at tabako. Would you believe na sa maliit na bayang ito, mahigit 20 na ang mga computer shops dito, hay wala nang kita...

Maaari mong marating ang San Jose sa pamamagitan ng Eroplano o RORO. Araw-araw ay may biyahe ang Asian Spirit (normally, 5:45am from Manila to San Jose and 7:00am from here pabalik ng Manila). Kung RORO naman ang sasakyan mo, may tatlong paraan.
Una, from Manila (pier 6) sasakay ka sa RORO ng Moretta Shipping Lines, usually Linggo ang alis dyan sa Manila, mga 6 pm. Tumatagal ang biyahe ng 12 to 14 hours (minsan mas matagal pa depende sa barkong aalis).
Pangalawa, mula sa Batangas Pier, sasakay ka ng RORO patungong Abra de Ilog, ito ang bayan ng Mindoro Occidental na nasa Northern tip nito, so kailangan mo pang mag bus patungong San Jose, dati nung pangit pa ang daan, mga 6 hours ang tagal ng biyahe ng bus, ngayon ewan lang, di na kasi ako dumadaan dito, nakakapagod. Pero kung trip mo ang sight seeing, mas magandang dumaan dito.
Pangatlo, sa Batangas Pier pa rin, sasakay ka ng RORO ng Montenegro na diretsong San Jose. Normally, 12 hours na biyahe from 6pm hanggang 6am kinabukasan ang dating dito. Eto ang madalas kong sakyan. Mga 1,500 pesos ang kailangan mo kung bibyahe ka sa paraang ito. Kasama na dito ang pagkain, pamasahe sa Bus mula Manila to Batangas Pier, Aircon ticket sa RORO, tubig, at junk foods.

SAN JOSE RUNWAY