Ngayon ay November 3, 12:45pm, habang nanonood ng Wowowee kung saan ang guest co-host at nagse-celebrate ng kanyang birthday ay si Gov. Vi, sinimulan ko ang blog na ito. Actually, sa Friendster Blog sana ako gagawa pero nung sinubukan kong gumawa doon ay nalaman kong masyadong limitado. Hindi ko ma access yung html, hindi ko lang alam kung sadyang ganon, o dahil hindi ko pa gamay yung control panel nya. So, I decided na dito na lang sa blogspot.com ako gagawa ng BLOG at eto na nga, my very own blog.
"Bukangliwayway sa hapon", wow ang heavy naman ng title ko para sa unang entry ko sa blog ko. Kadramahan na naman ba ito? Well, kayo na ang humula kung ano ang ibig sabihin nito. I know na maraming makaka get ng title ko.
Featured Pictures:

Eto ang larawan ng San Jose, Occidental Mindoro, aerial view. Hindi pa city ang San Jose pero ito ang pinakamabilis na mag grow na bayan dito sa Occidental Mindoro. Ang San Jose ay nasa pinakababa ng Mindoro island, kaya't malapit lang ito sa Coron Palawan, Semirara, Boracay at Panay Island. Ilan sa maipagmamalaki ng bayang ito ay ang white sand beaches sa White Island, Ambulong at Iling. Pangunahing kabuhayan ng mga tao dito ay pangingisda at pagtatanim ng palay at tabako. Would you believe na sa maliit na bayang ito, mahigit 20 na ang mga computer shops dito, hay wala nang kita...
Maaari mong marating ang San Jose sa pamamagitan ng Eroplano o RORO. Araw-araw ay may biyahe ang Asian Spirit (normally, 5:45am from Manila to San Jose and 7:00am from here pabalik ng Manila). Kung RORO naman ang sasakyan mo, may tatlong paraan.
Una, from Manila (pier 6) sasakay ka sa RORO ng Moretta Shipping Lines, usually Linggo ang alis dyan sa Manila, mga 6 pm. Tumatagal ang biyahe ng 12 to 14 hours (minsan mas matagal pa depende sa barkong aalis).
Pangalawa, mula sa Batangas Pier, sasakay ka ng RORO patungong Abra de Ilog, ito ang bayan ng Mindoro Occidental na nasa Northern tip nito, so kailangan mo pang mag bus patungong San Jose, dati nung pangit pa ang daan, mga 6 hours ang tagal ng biyahe ng bus, ngayon ewan lang, di na kasi ako dumadaan dito, nakakapagod. Pero kung trip mo ang sight seeing, mas magandang dumaan dito.
Pangatlo, sa Batangas Pier pa rin, sasakay ka ng RORO ng Montenegro na diretsong San Jose. Normally, 12 hours na biyahe from 6pm hanggang 6am kinabukasan ang dating dito. Eto ang madalas kong sakyan. Mga 1,500 pesos ang kailangan mo kung bibyahe ka sa paraang ito. Kasama na dito ang pagkain, pamasahe sa Bus mula Manila to Batangas Pier, Aircon ticket sa RORO, tubig, at junk foods.

No comments:
Post a Comment